September 8th, 2004
Goodbye Dad

KANLUNGAN
by Buklod
pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?
natatandaan mo pa ba, nang tayong dalwa ang unang nagkita?
panahon ng kamusmusan sa piling ng mga bulaklak at halaman
doon tayong nagsimulang mangarap at tumula
natatandaan mo pa ba, inukit kong puso sa punong mangga
at ang inalay kong gumamela magkahawak-kamay sa dalampasigan
malayang tulad ng mga ibon ang gunita ng ating kahapon
ang mga puno't halaman ay kabiyak ng ating gunita
sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan?
pana-panahon ang pagkakataon maibabalik ba ang kahapon?
ngayon ikaw ay nagbalik at tulad ko rin ang iyong pananabik
makita ang dating kanlungan tahanan ng ating tula at pangarap
ngayon ay naglaho na saan hahanapin pa?
lumilipas ang panahon kabiyak ng ating gunita
ang mga puno't halaman bakit kailangan lumisan?